Huwebes, Agosto 4, 2011

Panimula

                Ika 29 ng hulyo taong 2011, isang lakbay aral ang naganap. Ang layunin ay ang maipabatid sa mga kabataang pinoy ang tinatagong yaman ng bansa at saan ito mga nagmula.

                Simula palang ng aming paglalakbay ay batid ko na ang kasiyahan na makikita ko ang yaman ng ating bansa. Dahil sa paglalakbay aral na ito ay malalaman ko kung anu nga ba tayo dati.
                Tinahak namin ang aming dadaanan ng masaya at mga tulog :)

Sa aming sasakyan, ito aming posisyon:


Philippines History

         Nagsimula ang kasaysayan ng Pilipinas nang dumating ang mga sinaunang tao sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga tulay na lupa 30,000 taon na ang nakalilipas. Ang unang tala na pagbisita na mula sa Kanluran ay ang pagdating ni Ferdinand Magellan sa pulo ng Homonhon, sa timog-silangan ng Samar noong Marso 16, 1521. Nagtayo ng mga permanenteng paninirahan sa Cebu kasabay ng ekspedisyon ni Miguel López de Legazpi noong 1565, at marami pang mga paninirahan ang itinatag pa-Hilaga hanggang sa maabot ng mga kolonyalista ang Look ng Maynila sa pulo ng Luzon. Nagtatag ng isang ciudad (town) sa Maynila at dito nagsimula ang panahon ng kolonyalisasyon ng Espanya na nagtagal ng tatlong siglo.

        Nagsimula ang rebolusyon laban sa Espanya noong Abril ng 1896, na pagkaraan ng dalawang taon ay humantong sa proklamasyon ng kalayaan at ang pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas. Ngunit ang Kasunduan sa Paris, na naganap sa katapusan ng Digmaang Espanyol-Amerikano, ay naglipat ng pamamahala sa Pilipinas sa Estados Unidos. Nagsimula ang kolonyal na pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas noong Disyembre ng 1899, kasama ang limitadong lokal na pamamahala noong 1905. Ang parsyal na pagsasarili ay iginawad noong 1935, bilang paghahanda sa isang ganap ng kalayaan mula sa Estados Unidos noong 1945. Ngunit ang 10-taong transisyon mula sa komonwelt patungo sa isang soberanyang bansa ay naantala dahil sa pagsakop ng Hapon sa Pilipinas noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. At pagkatapos ng pagkatalo ng mga Hapones noong 1945. At ang huling pagbabalik ng mga sundalong Pilipino at Amerikano para sa Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas mula 1944 hanggang 1945. Kaya ang ganap na kalayaan ay iginawad lamang sa Pilipinas noong Hulyo 1946.

         Umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas noong dekada 1950 at 1960, ngunit nagkaroon ng kaguluhan noong mga huling taon ng dekada 1960 at mga unang taon ng dekada 1970 laban sa mapang-aping diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos na nagdeklara ng batas militar noong 1972. Dahil sa malapit na relasyon ng Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan kay Pangulong Marcos, sinuportahan pa rin siya ng Estados Unidos kahit na kilala ang kanyang administrasyon sa malawak na kurapsyon at pang-aabuso ng mga tao. Ang mapayapang Rebolusyon sa EDSA noong 1986 ang nagpatalsik kay Marcos (na tumakas sa Hawai'i lulan ng isang helikopter na pag-aari ng militar ng Estados Unidos, kung saan siya nanatili hanggang sa siya'y mamatay) at ang nagbalik ngdemokrasya sa bansa. Ngunit nang nagsimula ang panahong iyon, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pulitika at humina ang ekonomiya ng bansa.


philippine geography - yoyoy villame

Ayala Museum

       Ito ang nagging aming unang destinasyon, d2 sa museum na ito ay madaming pinagbabawal. Ngunit naiintindihan ko naman kung bakit, sapagkat pinagiingatan lang nila ang kanlang coleksyon at yaman n gating bansa .


Natatagong yaman ng Ayala Museum

1.        The Diorama Experience
2.       Maritime Vessels
3.       Pionees of Philippine art
4.       Gold of Ancestors
5.       Embroidered Multiples

        Ilan lamang ito sa mga larawang nakuwanan namin sa labas ng museum:





National Museum of the Philippines

Sa pagdating ng hapon ay napadpad kami sa Pambansang museo ng pilipinas, ditto ay madagdagan pa an gaming mga nalaman sa ating bansa, pati ang mga buhay at kung anu ang mga nakatira sa pilipinas.


Larawang aming naipon sa Museum:







Luneta Park

               Para sa akin ang huling pinuntahan ay isang lugar na kung saan pwede akong magpahinga at namnamin ang ganda ng bansa. Pinuntahan naming ang Japanese Garden, Masasabi ko na pumasok kami dun ngunit hindi ako nagenjoy sapagkat wala man lang makikita kundi kalat at lumot, hindi man lang nililinis.
                
            Sa aming huling pinuntahan ay inabutan din kami ng ulan na kung saan para ito ang nagpaganda ng paglalakbay. Sapagkat para kaming basing sisiw na naghahanap ng masisilungan.

                Dito nagtatapos ang aking diary na naglalaman ng aking mga naalala sa panuhon ng aking paglalakbay.